Biyernes, Abril 26, 2013

First year in Med School

I created this blog para maishare ko sa inyo ang mga experiences ko sa pagpasok ko sa Med school at kung ano ano ang mga kadalasang problems na naeencounter ng mga Med students. :)


Madami kang makikilala sa med school. Iba't ibang tao at may iba't ibang personalidad. Meron dyan yung mga GC (Grade Consious) na lahat ng score nililista, mga COMPETITIVE (madami ang ganito) na kung saan talo-talo na, pati kaibigan kokompetensyahin malamangan lag si;a at hindi papadaig sa iba. Meron din mga KONYO GALS, yung mga susyal na girls na englisera. May mga tintawag din BIBO KID, sila yung mga estudyanteng pinakamataas sa recitation dahil sila yung bibo sa classroom. Meon din mga MAKE UP ARTIST dahil sa everyday naka make up kala mo may mall show hehehe.. Hindi mawawala sympre ang mga ALPHA MALES AT QUEEN BEES, sila yung leader ng mga grupo na mabubuo sa classroom. Meron din ang mga CAN GOODS, sila yung mga maiingay na wala namang laman.. hehehehe . May mga RICH KIDS na kadalasan anak ng Doctor.. Andyan din ang mga BALANSE, mga tamang sapat lang basta nakakapasa hehe .. Pero madmi ang SILENT KILLERS, sila yung tatahimik tahimik lang pero sila ang pinaka magaling..


Ang buhay MEd school lalo na sa first year nyo ay magiging mahirap. Eto yung sinasabi nilang ADJUSTMENT PERIOD. Kaya dapat ready ka PHYSICALLY, MENTALLY, EMOTIONALLY AT HIGIT SA LAHAT SPIRITUALLY.

PHYSICALLY - Dahil madami ang loads ng subjects at dapat aralin. Kadalasan, lalo na pag exam 2-3hours maximum lang ang tulog mo at sa regular days 4 hours maximum lang ang tulog mo.

MENTALLY - Maeexperience nyo sa Med school na ipapabasa sa inyo ang 5 chapters (minimun) na may 10 - 20 pages per chapter, font 8, 2 columns per page, tapos may quiz kinabukasan. Sa isang subject lang yun ha. Meron pang ibang subjects na kaylangan mong reviewhin..Minsan pa nga sa gitna ng gabi may ipopost sa facebook page nyo na may presentation kayo kinabukasan.

EMOTIONALLY - Walang Med student ang magsasabi sayo na hindi dumating sa buhay estudyante nila na napanghihirapan na sila. Dahil sa hirap ng MAJOR SUBJECTS ( Anatomy/ Physiology/ BIOCHEMISTRY)  or dahil sa mga PAMAJOR NA MINOR SUBJECTS.

SPIRITUALLY - Dahil madaming pagkakataon  na mawawalan ka ng hope dahil minsan bumabagsak sa mga exams. PRAYER WORKS guys.. Pero sympre samahan ng action.

Para sa mga incoming First years Med, mga excited pa yang mga yan dahil hindi pa naman nagsisimula ang totoong laban. Sa first month ng school year masisipag pa yan mag aral. After every lesson magrereview pa yan. Dahil wala pang exams at ang iba't ibang Universities may mga pakulo na MED WEEK at madami pang happenings (isa sa pinaka masayang part ng med life).Fresh pa an mga itsura ng mga yan.. Makikinis ang mga balat at walang kapimples pimples.. Pero after ng mga exams, wala na, ngarag na ang mga itsura ng mga yan. Yung mga makikinis, may mga pimples na at ang iba kahit hndi na makapagplantsa ng uniform at makapag ayos Ok lang basta makapgreview at makapag exam lang. Matapos ang first semester, asahan mo mababawasan na ang class nyo. Yung iba, hndi kakayanin ang pressure and madami nadin ang lulutang na hindi talga nila gusto mag Medicine dahil pinilit lang sila ng mga Magulang nila. MANIWALA KAYO GUYS, NORMAL LANG YAN, WAG MGAPANIK. hehehe

TIP lang guys: JUST  MAKE SURE NA YOU REALLY LOVE MEDICINE AT HINDI LANG KAYO PINILIT NG IBA. At tansyahin nyo ang sarili nyo kung kaya nyo ba talga ang hirap.

 GOOD LUCK FRESH MEN!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento